Ang pinakamakulit na 2011 planner na nakita ko sa Pilipinas. Mayroon naman akong libreng Cafe Ti Amo planner pero ito talaga binili ko pa sa Memory Lane ni Jolina Magdangal sa Tagaytay. Sabi nga ni Witty Will sa akin sa Facebook page niya eh, "Wala nang convince-convice, DIZIZIT!" Syempre na feature na ito sa The Beat ng QTV 11 at sa Spot.ph kung saan ko naman nabasa na may ganitong klase ng planner.
Nakakatuwa yoong mga pasimpleng hirit o informative historical infos sa loob ng planner. May mga wedding dates nila Sharon Cuneta, Roselle Nava, at iba pang mga sikat at hindi sikat na mga artista. May biglang banat ng linya nila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa One More Chance o kung kailan ipinalabas noon 1998 ang Dawson's Creek.
Mayroon din Love History check list at madamdamin na "biter-biteran" na pahina para sa mga heartbroken (ops hindi ako kasali doon ha) dahil hiwalay na sa kani-kanilang minamahal. May fill-in-the-blanks page na love letter na pwede mo ilabas ang iyong sama ng loob sa kanya. May Love coupons din na pwede mo ibigay sa ex mo kung nanaiisin mo.
Hindi man applicable sa akin ang heartbroken planner na ito (at sana kasi Willy more than two years ago mo ito pinublish hahaha!) nawawala pa rin stress ko sa kakabasa ng kung anu-ano. Hahaha! Kaya dahil natutuwa ako sa planner kong ito, ginawan ko ng maikling blog sa Typepad. :) Nakakatanggal siya ng stress kaya Witty Will galing mo! :)
Photo credits: Witty Will Save The World Facebook page
Posted by: |